SMB team, sumailalim sa COVID-19 test

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

SUMAILALIM sa COVID-19 test ang mga manlalaro at team officials ng mga koponang pag-aari ng San Miguel Corporation nitong Miyerkules.

Nanguna sa mga nagpa-test at nag post pa ng kanilang mga larawan at video bago ang kanilang swab test sina June Mar Fajardo at Terrence Romeo San Miguel at Mark Barroca ng Magnolia.

pba

Kabilang din sa mga sumailalim sa testing sina Barangay Ginebra guard Scottie Thompson at mga Beeemen na sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross, Matt Ganuelas-Rosser at Daniel De Guzman.

Ang testing ay bahagi ng panuntunan ng kompanya para sa lahat ng kanilang mga empleyado at workers na kinakailangang dumaan sa COVID-19 test.

Hangad ng SMC na mapangalagaan ang kanilang may 70,000 mga empleyado at manggagawa sa pamamagitan ng istriktong implementasyon ng kanilang panuntunan.

Nangunguna din ang SMC sa pagtulong na masugpo ang paglaganap ng pandemic sa bansa at sa katunayan, nagbigay na rin sila ng mga test machines sa iba’t-ibang mga pampublikong ospital sa bansa bukod pa sa mga donasyon nilang pagkain, medical supplies and equipment, alcohol at disinfecting powder, at mga libreng free toll at gasolina sa mga frontliners.  MARIVIC AWITAN