Chooks 3×3 players, tuloy ang allowances

Filed under Balita, Basketball, Sports Balita RSS RSS Feed

INIURONG na rin ng International Basketball Federation (FIBA) sa susunod na taon ang dalawang 3×3 basketball Olympic Qualifying Tournaments.

Nauna rito, iniatras ng International Olympics Committee (IOC) ang Tokyo Olympics sa susunod na taon bunsod ng mapamuksang COVID-19.

chooks

Nitong Marso 12, hiniling ng FIBA na walang isasagawang 3X3 event bago ang August 2020 dahil sa hindi pa maayos na sitwasyon sa pandemic.

Sa pangangasiwa ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3, kwalipikado ang team Philippines sa OQT na nakatakda sanang laruin nitong Marso 18-22 sa Bangalore, India.

Binubuo ang Nationals nina  Joshua Munzon, Alvin Pasaol, CJ Perez, at Mo Tautuaa. Kabilang sila sa Pool C kasama ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic.

Sa kabila ng kaganapan, ipinahayag ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner  Ronald Mascariñas na patuloy na matatanggap nina 3×3 training pool players — Munzon, Pasaol, Dylan Ababou, Troy Rike, Karl Dehesa, Santi Santillan, Franky Johnson, Chris De Chavez, at JR Alabanza – ang kanilang mga allowances.

Itinigil din ng FIBA 3×3 ang apat na  World Tour events (Prague, Lausanne, Los Angeles, Nanjing), the FIBA 3×3 U23 Nations League, qualifiers to the various Zone Cups, at FIBA 3×3 U17 Zone Cups.