Fred, at Alexandra Sydney nakamit ang AGM, AIM title

Filed under Balita, Sports Balita RSS RSS Feed

IPINAGKALOOB ng FIDE (World Chess Federation) Online Arena ang Arena Grandmaster (AGM) title at Arena International Master (AIM) title kina Dr. Alfredo “Fred” Paez at kanyang anak na si Alexandra Sydney Paez, pambato ni Cabuyao City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea.

.

.

Kilala sa tawag na “Fred” sa chess world, ang dating mainstay ng multi-titled National University chess team at president ng Philippine Executive Chess Association (PECA), nakamit niya ang Arena Grandmaster (AGM) title matapos mabuwag ang 2000 barrier.
Sa isang banda ay target naman ni Alexandra Sydney ng mas maraming laro sa Arena online games rated tournaments ng World Chess Federation (FIDE) para masundan ang yapak ng kanyang amang si  AGM dentist Alfredo “Fred” Paez.
Ang16-anyos na si Alexandra Sydney ay incoming Grade 10 student ng San Beda College Alabang.
Samantala, ipinahayag ni Dubai-based Filipino Casto “Toti” Abundo ng Asian Chess Federation ang pagdaraos ng Asian Juniors and Girls Online Chess Championships sa Mayo 27 hanggang Hunyo 4.
Nakataya nag $4,500  cash prizes kung saan ang top three juniors players ay makakatangap ng $1,500, $1,000 at $500, ayon sa pagkakasunod habang ang top three winners sa girls side ay makakapagbulsa ng tig $750, $500 at $250.