Volleyball Community Gives Back PH

Filed under Balita, Sports, Volleyball Balita RSS RSS Feed

HINDI pa tapos ang ayuda ng Volleyball Community Gives Back PH para sa laban kontra COVID-19.

Ipinahayag ng organizers nang naturang fund-raising drive ang pagsasama-sama ng mga kilalang showbiz celebrities para makalikom ng pondo na maitutulong sa frontliners sa laban sa coronavirus.

beach

Kabilang sa mga naglaan ng kanilang memorabilia para mai-paraffle sina  Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach’s Converse sneakers, actor Dingdong Dantes’ motorcycle helmet at young star Kathryn Bernardo.

Nakiisa rin sina Derek Ramsay, Jennylyn Mercado, Rovilson Fernandez, Angelica Panganiban, Marco Gumabao, Mimiyuuh, Elisse, Hashtag Luke at  Paulo Arvie para sa Celebrity Bundle raffle kung saan ang makakalap na pondo ay gagamitin para makapagpagawa ng personal protective equipments (PPEs).

Sa pangunguna nina Alyssa Valdez, Charo Soriano, Amy Ahomiro, Gretchen Ho, Aby Maraño at Amanda Villanueva, nakapagpagawa ang VCGBPH ng 2,000 PPEs na ipinamahagi sa Sultan Kudarat, Quezon Medical Center Batangas, Aklan, Puerto Galera, Cebu, Northern Mindanao Medical Center in Cagayan de Oro, Muntinlupa at Quezon City.

“We are continuously producing PPEs to serve our frontliners and we plan to keep on donating them through the referral hospitals in various provinces as well as here in Metro Manila,” pahayag ng VCGBPH.

Puwedeng maipadala ang mga donasyon kina  Ryan Sordan (BPI bank account 8069 0632 77), GCash (0917-5003390) at PayMaya (0917-5003390).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Volleyball Community Gives Back on Facebook and @vcgbph on Instagram and Twitter.