Maine, tagumpay ang donation drive

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

INI-LAUNCH na at nag-premiere sa YouTube ang #ParangKailanLang Music Video ni phenomenal star Maine Mendoza, isa sa recording artists ng Universal Records Ph, after mag-top ang kanyang first single sa iTunes, Spotify at iba pang music platforms.

maine

Postponed muna ang inihandang launch sana ng Offficial Music Video ni Maine, bilang pagsunod sa utos na wala munang on-ground activities tulad ng album launch, artist guestings at gigs dahil sa community quarantine para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 virus. Next month, April, tuloy si Maine sa pagiging Celebrity DJ ng MYX.

Samantala, nagpapasalamat si Maine sa mga sumuporta ng inilunsad niyang DoNation Drive na naglalayong magbigay ng halagang panggastos ng bawat pamilya na magpapadala ng request sa kanya. Umabot na sa P587,677.92 ang mga donations na natanggap ni Maine mula sa mga donors ng drive. Nakapagpadala na siya ng financial support sa may 587 families sa nakaraang 6 na araw sa pamamagitan ng GCash.

Bukas ang libro ni Maine sa list ng mga donors at kung magkano ang tinanggap niya mula sa kanila. Sa ngayon, nakapagpadala na siya sa may 587 families at makikita rin kung sinu-sino ang naging recipients nito, sa pamamagitan ng kanyang DoNationdrive.wordpress.com.

-NORA V. CALDERON