Let’s pray for the frontliners — Rocco

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA YouTube channel ng aktor Rocco Nacino ay ipinasilip niya ang bagong bahay sa Antipolo City. Ito ang best gift sa sarili para sa kanyang 30th birthday last March 21.

Sa krisis dulot ng coronavirus na gumigimbal sa buong mundo ay hiniling ng aktor na isama sa ating panalangin ang kaligtasan ng mga frontliners na patuloy na kumakalinga sa mga positibo sa COVID-19. “Saludo kami sa kanilang dedikasyon. Let us offer prayers for them.”

Nang dahil sa COVID-19 ay tigil ang taping ng Descendants Of The Sun at sa halip ay replay ng Encantadia ang mapapanood.

-REMY UMEREZ