Ellen, ‘di nakapagtimpi sa tsismosang netizen

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SINAGOT ni Ellen Adarna ng “his father and i are protecting him and his privacy from chismosas like you” ang netizen na nagtanong ng “How old is your child with jl? Why u dnt post about it?”

ellen

Kinantyawan ang netizen ng iba pang netizens sa pagiging tsismosa at sa sagot ni Ellen. Sunog daw ang netizen na nagtanong sa anak nina John Lloyd Cruz at Ellen, pero sumagot pa ito ng “Oh sorry, im not chismosa. Just a normal question asked to a public figure/celebrity like u. Should be proud of it.”

May nag-comment lang na hindi nga pino-post ni Ellen ang picture ng anak nila ni John Lloyd, pero iba ang nagpo-post. Gaya na lang ni Mon Confiado na pinost ang photo nina John Lloyd at anak nito sa kanyang birthday party na ginanap sa isang beach sa Cebu. Alam ba raw ni Ellen ‘yun?

-NITZ MIRALLES