Dating sexy star, walang pagbabago?

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NALOKA ang ilang netizens sa dating sexy star dahil maayos ang tanong sa kanya ay sinagot niya ito ng pabalang.

Inisip na lang may pinagdadaanan ang dating sexy star kaya hindi maganda ang sagot nito sa netizen na nagtanong.

Sabi naman ng kaibigan naming nakabasa sa sagot ng dating sexy star, “akala ko nagbago na siya, kesyo may self ek-ek pa siya, waley naman pala. Sa nangyayari ngayon na apektado ang mundo sa COVID 19 dapat nagmu-muni-muni na siya.”

E, di ba nga may pinagdadaanan kaya intindihin na rin at saka nakilala naman talagang ganu’n sumagot ang dating sexy star, pabalang.

-Reggee Bonoan