Angeline, gustong mag-apply na GF ni Mayor Vico

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BAGO pa ang lockdown ay marami ng nagawa si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga nasasakupan niya kaya naman araw-araw ay puro papuri ang nababasa sa kanya.

angeline

Kaya naman ang single ladies ay hindi napigilang humanga sa kanya kaya kanya-kanya silang gawa ng memes.

May lumabas na litrato ni Mayor Vico sa isang pahayagan at may-quote siyang, “Simple lang naman ang gusto ko sa isang babae, yung mahilig kumain, at medyo kalog, lalo na yung NAGTITIKTOK. Tumatanggap na po ako ng mga aplikante ngayon.”

Kaagad namang pinabulaanan ito ng pahayagan na hindi raw sa kanila galing ito.

Sinakyan naman ito ng mang-aawit na si Angeline Quinto na naglabas ng paghanga sa binatang mayor at tinweet niya.

“Mayor Vico, hayaan niyo po mas gagalingan ko pa Mag Tiktok para siguradong pasado po.”

Anyway, sa gitna ng laban ng COVID 19 sa buong mundo ay mas malabong maisip ni Mayor Vico ang love life dahil noong bago at pagkatapos ng eleksyon ay sinabi niyang hindi niya prayoridad ang pag-ibig bagkus ay mas focus siya sa mga proyekto niya sa Pasig.

-REGGEE BONOAN