JC, sinusulit ang panahon kasama ang kanyang baby

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG post ni JC Santos sa Instagram (IG) habang karga ang baby girl nila ng misis niyang si Shyleena Herrera na si baby River Altheia. Parang pinaarawan ni JC ang anak na hindi binanggit kung kailan ipinanganak, pero sabi ni JC sa presscon ng isa niyang pelikula, February isisilang ng wife niya ang kanilang baby. Kaya March 1, may post na si Shyleena ng photos ng baby nila ni JC.

jc

“#HomeQuarantine #DaddyDuties Afternoon probinsya air my little sunshine. Be safe everybody. May this break be a good opportunity for you to take good care of your family. God bless us all!”

Sa isang interview JC, sabi ni JC, “Ang sarap umuwi galing sa pagod! Totoo ‘yung sinasabi nila na ‘pag makita mo lang ‘yung ngiti ng anak mo, wala na ang lahat.”

Marami sa mga taga-showbis ang nag-congratulate kay JC at may nag-comment din na unlike other showbiz personalities na mga nanganak na ayaw muna ipakita ang baby nila sa madlang people, sina JC at Shyleena, agad ipinakita ang mukha ng baby nila.

-Nitz Miralles