Elmo, na-sorry sa anniversary post para sa GF

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI lang dinelete ni Elmo Magalona ang post at photos nila ng GF na tinawag niyang “Ry” binawi rin nito ang pagpo-post ng photos nila ng GF kung saan, binate niya ito ng “happy anniversary” dahil one year na ang relationship nila.

Heto ang pagbawi ng post ni Elmo: “I feel like I need to share to everyone why I removed my post from yesterday. I should have been more considerate. I posted without telling anybody. Honestly, it was irresponsible thinking. I’d like to apologize to her, and her family for my actions and putting them in such a position. I don’t want to be taking away anybody’s privacy from them.

To everyone reading this, please disregard what I had to share last night. Let’s just focus on what matters right now. Peace to everyone.”

Sayang na walang makapag-react sa post na ito ni Elmo dahil disable ang comment box sa post niyang ito. Siguradong maraming gustong itanong sa kanya, lalo na ang fans nila ni Janella Salvador.

-NITZ MIRALLES