Please pray for Iza Calzado

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

May sakit na ang actress na si Iza Calzado noong March 25, pero sa post niya sa kanyang Instagram wall, ang inihihingi pa rin niya ng prayers ay ang frontliners na itinataya ang kanilang buhay para makapagligtas ng buhay.

iza

Pagkatapos nga malampasan ni Christopher de Leon ang COVID-19 ay heto at si Iza naman ang naghihintay ng resulta ng test niya kung positibo siya o hindi sa nasabing sakit.

Nasa hospital ngayon ang aktres at isa sa bida sa upcoming teleseryeng Ang Sa Iyo ay Akin kasama sina Maricel Soriano, Sam Milby at Jodi Sta. Maria na magsisimulang umere sa Abril pagkatapos ng Enhance Community Quarantine.

Narito ang IGpost ng aktres nitong Miyerkules ng gabi:

“Hello, everyone. It’s been a while but I thought I’d update you all. I’m currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and I’ve been waiting for the results for several days now.

􀀀“It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones.

“I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times. And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles.

􀀀“I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, I can fight this and we all fight this together.”

Nag-post din ng panalangin ang manager ni Iza na si Noel Ferrer, “We’VE BEENPRAYINGFOR YOU & WE LOVE YOU @missizacalzado. LET’S PRAY FOR HER HEALING.”

Kaya samahan po natin si Iza sa pagdarasal niya para sa kanyang kagalingan.

Habang sinusulat po natin ang artikulo, umabot na sa 142,382 likes na siguradong ipinagdarasal na ang paggaling ni Iza. Nagpasalamat ang manager niyang si Noel Ferrer, sa lahat ng nagpapadala ng prayers and support kay Iza.

-Reggee Bonoan at Nora V. Calderon