May tsansa pa tayong maghanda — Bambol

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MALAKING bentahe para sa mga Filipino Athletes ang pagpapaliban ng Tokyo Olympics hanggang sa 2021.

Ito ang punto na ipinahayag n i Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bamboo” Tolentino matapos magpalabas ng opisyal na pahayag ang International Olympic Committee (IOC) na ipagpaliban muna ang quadrennial Games.

Ayon sa Congressman ng Tagaytay City, tama ang naging desisyon ng mga organizers para na rin sa kaligtasan ng lahat ng makikibahagi sa nasabing event.

“It’s the right decision—for athletes, officials, organizers and spectators.

For our (everybody/phl and global) safety. And it’s (postponement) better because it is not cancelation of the Games,” ani Tolentino.

Malaki umano ang magiging tsansa ng Pilipinas na makakuha ng gintong medalya sa nasabing Olimpiyada at maari pa umanong madagdagan pa ito gayung mas makapaghahanda ang ating mga atleta para dito.

“Mayroong chance pa rin tayo sa medals (golds) for those who qualified because they can train more and chance to qualify more,” aniya.

May kabuuang 30 sports ang nakatakdang laruin sa Olympics, ngunit hindi pa makumpleto ang mga kalahok dito sanhi ng paglaganap ng virus gayung inihinto ang ibang qualifying games para dito.

Sa taong 2021 din nakatakda ang 31st SEA Games na gaganapin sa Vietnam sa huling yugto ng taon, habang ang Olimpiyada ay posibleng hanapin sa Hulyo ng nasabing taon din.

Ayon Naman sa report nakatakdang gawin ng Vietnam ang biennial meet sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ng 2021.

“Vietnam has yet to get the Seag Federation’s official/formal approval.

But we will support the dates (Nov 21-Dec2). Those dates provide enough window from Tokyo which could be in the July-August period (summer in northern hemisphere),” ayon kay Tolentino.

Samantala, nagtakda ang Vietnam ng pagpupulong ngayong darating na Mayo 20 hanggang 21 Kung saan ihahain nito ang kanilang programa.

-Annie Abad