Laban ng UP sa COVID-19

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KABILANG ang University of the Philippines (UP) sa institusyon ng pamahalaan na nagsasagawa ng pag-aaral para maabatan ang pandemic na coronavirus disease (COVID-19).

Bukod sa ‘testing kit’ na kasalukuyan ngayong binabalangkas ng pamahalaan para kagyat na magamit sa naturang pagsusuri, nasa huling aspeto na ang pamantasan para sa pagsasagawa ng ‘sanitation tent’ (sanitent) na magagamit ng sa pag-disinfection sa mga mamamayan, higit yaong nasa ‘frontline’ sa mga pampublikong lugar.

Ang pagsusuri at pagsasagawa ng sanitents ay isinasagawa sa gym ng College of Human Kinetics – ang venue kung saan nagsasanay ang mga atleta ng UP.

“Kanina nabuo na nila yung first prototype. They are just tweaking on the diffuser system nung disinfecting agent pero tapos na yung first prototype,” pahayag ni UP CHK Dean Francis “Kiko” Diaz, miyembro rin ng UAAP Board of Managing Directors.

“When they perfect it, they are planning to invite the initial LGUs [Local Government Units] that have signified their intention sa kanila to use it,” aniya.

“On the part of UP, nakita na rin ito ng officials, pagna-perfect na lahat, pinapamadali na yung production para mapadala na sa UP PGH [Philippine General Hospital] para ma-utilize dun.”

Bukod ditto, sinabi ni Diaz also na nagsagawa rin ng pag-aaral ang UP College of Science and College of Engineering para sa mass production ng facemasks sa pamamagitan ng 3D printing.

“Ngayon, meron ding initiative yung College of Science and Engineering are now also in the final stages dun sa initial 3D print of PPE facemasks. Naka-define na at nakagawa na ng una at pinapa-assess na lang sa medical professionals,” ayon kay Diaz.

“Titignan na lang kung kaya na i-mass produce.”

Sa kabila ito ng pangangalaga sa may 270 dormers na naipit sa ‘quarantine period’ sa loob ng UP Diliman campus.

“Both the UP System and UP Diliman officials really made it a point na maalagaan yung nastranded. Yung university foodservice, meron silang skeletal force daily to cook the meals of dormers and for the athletes, they are receiving the right nutrition they need for their diets. Para ma-sustain yung effort, yung mga alumni ng UP non-stop mag-donate ng bigas, vegetables, and meat and poultry that goes straight to the university foodservice. From now until the end of lockdown, mukang okay na sila,” aniya.