PSC, sumuporta sa pag-urong ng Tokyo Games

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KINATIGAN ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ang naging desisyon ng International Olympic Committee (IOC) na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng Tokyo Olympics hanggang sa susunod na taon.

Kama k a l awa n g g a b i a y nagpalabas ng pormal na pahayag ang IOC at ang organizers ng 2020 Tokyo Olympics na iurong sa 2021 ang nasabing pinakamalaking quadrennial meet sanhi ng paglala ng kaso ng Coronavirus sa buong mundo.

Ito ay upang mapangalagaan na Rin Ang kaligtasan ng mga atleta, coaches mga opisyales, mga manonood at lahat ng makikibahagi sa nasabing event.

Sa simula pa lamang ng pagkalat ng nasabing virus ay pabor na si Ramirez sa espekulasyon noon na iurong ang petsa ng pagtatanghal ng Olimpiyada.

“I have always expressed that I favor its postponement, given the way this crisis seem to be taking. As I have mentioned before, safety and health of everyone is a top priority,” pahayag ni Ramirez.

At dahil sa ipinapatupad na Enhance Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon, kung saan maging ang pagsasanay ng mga atleta ay nahinto, siniguro naman ni Ramirez na nakatutok pa rin ang tanggapan sa pag-aaruga sa mga bayaning atleta ng bayan.

“in the meantime, we have mobilized our Sports Psychology unit to actively check on our athletes and conduct guidance counselling (online or by phone for now) for our athletes who might need their support given the challenges which resulted from these developments,” pahayag ng PSC Chief.

Sinabi din niya na walang nakikitang problema ang ahensiya hinggil sa pagpapatupad ng pondo para dito.

-Annie Abad