Pagpaliban ng Tokyo Olympics, kinatigan ni Bambol

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SUPORTADO ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang desisyon ng International Olympic Committee (IOC) na ipagpaliban ang 2020 Tokyo Olympics.

TOLENTINO: Pagkakataon para makapaghanda.

TOLENTINO: Pagkakataon para
makapaghanda.

Iginiit ni Tolentino na makabubuti sa lahat, higit sa atleta ang naging desisyon ng IOC na isagawa ang quadrennial meet sa susunod na taon mula sa orihinal na petsang Hulyo 24 bunsod nang lumalalang epedemya ng COVID-19 sa buong mundo.

“It’s better to postpone the Tokyo 2020 Olympics rather than cancelation so as not to lose our chance for our first gold medal—or even more golds,” ayon sa pahayag ni Tolentino.

Ayon kay T o l e n t i n o , ang pagpapaliban ay mas makakabigay ng malaking tsansa sa mga Pinoy athletes na mas marami pa ang makalahok dito gayung mabibigyan ng mas mahabang panahon ang kanilang paghahanda.

“If the Games are postponed, more Filipinos have more chance to qualify. A postponement would mean more time to train for those who have already qualified and for those who are still trying to qualify,” ayon pa sa POC Chief.

Sinabi din niya na kung iurong sa susunod na taon ay mas lalong makabubuti upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta laban sa kumakalat na Coronavirus.

“A 2021 schedule is ideal enough. I favor a postponement because the health and safety of everyone in sports—both in the Philippines and all over the world—is paramount in this Covid-19 pandemic,” aniya.

Pinayuhan din ng POC ang lahat ng atleta, coaches, officials at mga stakeholders na manatiling nasa bahay lamang at mag-ingat at hintayin ang susunod na direktiba ng gobyerno at ng Health Department upang tuluyang masugpo ang nasabing virus.

-Annie Abad