Pagbati at healing prayer para kay Boyet

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TULAD ng Hollywood Actor na si Tom Hanks ay hindi itinago ng batikang aktor na si Christopher de Leon na siya ay nagpositibo sa COVID-19 virus at nag self-quarantine together with his wife Sandy, daughter Mica at kasambahay sa kanyang tahanan. Marami ang humanga sa kanyang pag-amin at patuloy ang healing prayer for his quick recovery.

Nananatiling matatag ang pananalig ng aktor sa Diyos at sa kanyang social media account he wrote, “In this time of trial. We ask for your prayers as we continue to praise and thank the Lord for his goodness in our lives. Rejoice always. Pray without ceasing. Give thanks in all circumstances. for this is the will of God in Jesus Christ for you.”

Sa March 27 ay ipagdiriwang nina Boyet at Sandy ang kanilang 40th wedding anniversary. This is it is indeed a milestone considering na bihira sa showbiz couple ang umaabot sa ganitong pambihira na achievement. Ang aming pagbati sa mag asawang Boyet at Sandy kasama ang dasal for your full recovery.

-REMY UMEREZ