Wala na ring aksiyon sa PVL

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

DAHIL pa rin sa patuloy na paglaganap ng novel cironavurus o COVID-19, ipinagpaliban na rin ng Philippine Volleyball League ang nakatakda nilang pre-season tournament sa susunod na buwan.

HINDI na rin nakaligtas ang men’s volleyball tournament sa UAAP sa kanselasyon ng mga laro sa Manila.

HINDI na rin nakaligtas ang men’s volleyball tournament sa UAAP sa kanselasyon ng mga laro sa Manila.

Ayon kay PVL president Ricky Palou ang dapat na International Invitational tournament sa Abril 14 – 19 ay ililipat na lamang nila sa huling linggo ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre.

“The safety of everyone is our paramount concern so we’re postponing it,” ayon kay Palou.

Kalahok sa nakanselang Invitational ang mga top. teams ng PVL na Creamline, PetroGazz at BanKo-Perlas at ang mga dayuhang koponan mula Australia, Vietnam at Chinese Taipei.

Itutuloy naman nila ayon pa rin kay Palou ang PVL 2020 season-opening Reinforced Conference na nakatakda sa Mayo 30.

Gayunman, depende pa rin aniya ito sa magiging sitwasyon sa panahong iyon.

“For now, it is set May 30. But of course, we’re still wait and see,” ayon pa kay Palou.

-Marivic Awitan