Casimero at Ancajas fight sa US, posibleng ‘closed door’

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

TULOY, ngunit walang audience sa isang pambihirang ‘closed door fight’ ang posibleng kasadlakan sa laban nina Mexican Jonathan Rodriguez at Pinoy champion Jerwin Ancajas para sa pagdepensa ng International Boxing Federation (IBF) super flyweight title sa Abril 11 sa Cosmopolitan of Las Ve¬gas sa Nevada.

Magtututos naman sa unification bout sina World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casi¬me¬ro at World Boxing As¬¬sociation (WBA) at In-ternational Boxing Fe¬de¬ration (IBF) champion Naoya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Kapwa Top Rank ni Bob Arum ang promoter ng naturang laban. Nauna rito, ilang sports event na ang ki¬nansela ng Nevada State Athletic Commission dahil sa coronavirus na idineklarang pandemic ng World Health Organization.

Ngunit wala pang pa¬ha¬yag ang Nevada State Athletic Commission sa Ancajas-Rodriguez at Casimero-Inoue bouts dahil sa susunod na buwan pa ito idaraos.

Kaya naman gumagawa na ng hakbang ang kampo ni Top Rank Pro¬mo¬tions chief Bob Arum para sa laban.

“We are planning to do these fights without spec¬tators. (But so far) no¬thing is going to change within the month. Right now, we decided not to put the tickets on sale on April 11 but we’re not cancelling the event right now. We are planning that event to be held in a facility without spectators,” ani Arum.

Nakasalalay ang lahat sa magiging desisyon ng Ne¬vada State Athletic Commission kung pahihintulutan itong matuloy o hindi.

Nauna nang inihayag ni Arum na mahigit 1,000 tiket na ang nabenta sa Casimero-Inoue fight habang naka-hold muna ang pagbebenta ng tiket sa laban nina Ancajas at Rodriguez.

Kung idaraos sa isang closed door ang laban ay tinatayang malulugi ang promoters ng $200,000. Maaraming tumabo naman sila sa pay-per-view buys.

Kung hindi na matutuloy, makikipag-ugnayan ang Top Rank sa Nevada State Athletic Commission para sa bagong petsa ng laban.