Magsayo, sumapi sa MP Promotions

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

BAHAGI na nang lumalaking pamilya ng MP Promotions ni Senator Manny Pacquiao ang walang talo at kontrobersyal na si featherweight contender Mark ‘Magnifico’ Magsayo ng Bohol.

SENELYUHAN ni Sen. Manny Pacquiao ang management contract ng MP Promotions kay boxing rising star Mark Magsayo

SENELYUHAN ni Sen. Manny Pacquiao ang management contract ng MP Promotions kay boxing rising star Mark Magsayo

Naselyuhan ang paglipat ni Magsayo mula sa nakabangang dating tahanan na Ala Promotions sa paglagda ng kontrata ng premyadong fighter nitong Martes sa tahanan ng eight-division world champion sa Forbes Park, Makati City. Kasama rin sa pagpirma si MP Promotions president Sean Gibbons.

Tangan ang (20-0-0, 14KOs) karta, isa si Magsayo sa ipinapalagay na ‘future ng Philippine boxing’ mula nang maging professional sa edad na 18-anyos sa pangangasiwa ng Cebu-based ALA Promotions.

Naging WBO top contender sa featherweight division si Magsayo, ngunit hindi na sumipa ang kanyang career bunsod ng gusot sa management ng ALA. Huling lumaban si Magsayo sa ilalim ng ALA noong Nov. 11, 2017.

Matapos ang 15 buwan, balik aksiyon si Magsayo sa pangangasiwa ng bagong manager nitong April at Agosto. Sa kasalukuyan, ranked No. 5 siya sa WBC at No. 11 sa WBA.

Makakasama ni Magsayo sa MP promotions sina world champion Johnriel Casimero at Jerwin Ancajas