Pinoy Cuppers, asang makasilat sa tropa ni Tsitsipas

Filed under Sports, Tennis Balita RSS RSS Feed

HAHARAPIN ng Team Philippines ang pamosong Greece, na pangungunahan ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas, sa Davis Cup World Group II playoff tie ngayon sa Philippine Columbian Association’s Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.

Nakuha ni AJ Lim, 20, ang karapatan na hamunin si Tsitsipas matapos ang isinagawang draw nitong Huwebes. Nakatakda ang laro ganap na 10:00 ng umaga. Mapapalaban naman si Jeson Patrombon sa nakababatang kapatid ni Tsitsipas na si Petros.

Tunay na dehado si Lim laban sa makaranasan na si Tsitsipas, runner-up kay Novak Djokovic sa Dubai Open kamakailan.

Umaasa si Lim na magagamit niya ang suporta ng cword at ang marka na minsan ay nagapi niya si Tsitsipas sa doubles tournament noong junior days.

“It was in the past and very long time ago,” sambit ni Lim. “I will just give it my best when we play tomorrow (today).

Aminado naman si Tsitsipas na hindi dapat maliitina ng kakayahan ng Pinoy.

“We’ll just take it match by match,” pahayag ni Tsitsipas.

Makikipagtuops naman sina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales kina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis sa doubles event bukas.

Sa reversed singles sina Lim at Patrombon muli laban sa magkapatid na Tsitsipas.

Ito ang unang pagkakataon na mapalaban ang Pinoy sa non-Asian country mula nang sumabak si Felix Barrientos at PH Team laban sa Sweden sa n World Group Qualifiers may 29 taon na ang nakalipas.

Ang magwawagi sa Group tie ay sasabak sa World Group II ties in September, habang ang mabibigo ay mahuhulog sa Regional Group III sa Hunyo.