Pinoy Cuppers, kumpiyansa laban sa Greek Team

Filed under Sports, Tennis Balita RSS RSS Feed

BUKOD sa home crowd, target ng Team Philippines na makuha nang maaga ang momentum sa pakikipagtuso sa premyadong Greece Team, sa pangunguna ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas, sa World Davis Cup tie, simula bukas sa Philippine Columbian Association’s Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.

“We know they are tough especially with a world class player like Stefanos Tsitsipas,” pahayag ni Francis Casey Alcantara, Southeast Asian Games gold medalist.

“But we will do our best to make the country proud,” aniya.

Bukod kay Alcantara, nakaatang sa balikat nina Jeson Petrombon, Ruben Gonzales, AJ Lim at Eric Olivarez, Jr. ang kampanya ng Pinoy. Si Chris Cuarto ang non-playing captain.

Nagmintis lamang kamakailan si Tsitsipas sa kanyang ikaanim na professional title nang matalo kay Novak Djokovic sa finals ng Dubai Tennis Championship.

Kasama niay sa kopona ang nakababatang kapatid na si Petros, Michael Pervolarakis at Markos Kalovelonis, habang si Dimitris Chatzinikolaou ang skipper.

Sa kabila nito, handa ang Pinoy netters sa laban.

“Hopefully, the home court advantage will help us,” sambit ni Cuarto.

Gaganapin ang unang dalawang singles bukas, habang ang reversed singles at doubles ay sa Sabado.