4 Pinoy pugs, nakahirit ng bye sa OQT

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

UMUSAD sa second round ang apat na miyembro ng national boxing team matapos mabiyayaan ng opening-round byes sa 2020 Asia-Oceania Continental Olympic Qualifying Tournament sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan.

Sigurado na ang tiket sa ikalawang yugto nina AIBA Women’s World Championship gold medallist Nesthy Petecio, AIBA Men’s World Championship silver winner Eumir Felix Marcial, James Palicte at Carlo Paalam.

Nakaabang si Petecio sa panalo sa pagitan nina Silpa Lau Ratu ng Indonesia at Krismi Ayoma Lankapurayalage ng Sri Lanka sa women’s 54-57 kg. division habang naghihintay na lang din si Marcial sa magwawagi naman kina Leong Tai Kan ng Hong Kong at Kirra Ruston ng Australia sa men’s middleweight class.

Sa kabilang banda, makakatipan naman ni Palicte si Elnur Abduraimov ng Uzbekistan sa men’s light welterweight habang aariba si Paalam kay Ramish Rahmani ng Afghanis¬tan sa men’s flyweight.

Kasama rin sa pambansang delegasyon sina Riza Pasuit, Irish Magno at Ian Clark Bautista na sasalang sa kani-kanilang first-round bouts.

Target ng Pinoy boxers na makaabot sa medal round upang mapalakas ang tsansang makapasok sa Olympic Games na idaraos sa Hul¬yo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan