World No.6 Tsitsipas at Greek squad, haharapin ng Pinoy sa Davis Cup World Group 11 playoffs

Filed under Tennis Balita RSS RSS Feed

DUMATING na sa bansa si world ranked Greek Stefanos Tsitsipas nitong Lunes upang makapaghanda sa laban ng Greece kontra Team Philippines sa Davis Cup World Group II playoffs sa Biyernes (Marso 6) sa Philippine Columbian Association’s Plaza Dilao sa Paco, Manila.

STEFANOS TSITSIPAS (GRE) TENNIS - THE CHAMPIONSHIPS -WIMBLEDON - ALL ENGLAND LAWN TENNIS AND CROQUET CLUB - ATP - WTA - ITF - WIMBLEDON - SW19 - LONDON - GREAT  BRITAIN - 2019  © TENNIS PHOTO NETWORK

STEFANOS TSITSIPAS (GRE)

Kagagaling lamang niya sa matikas na runner-up finish kay Novak Djokovic sa Dubai Championships. Kasalukuyang world No.6 si Tsitsipas.

“I will try to represent my country as best as possible,” pahayag ng 21-anyos na si Tsitsipas, tangan ang limang titulo para maging pinakabatang player sa world’s Top 10.

Kasama niya sa Greek squad ang nakababatang kapatid na si Petros, Michail Pervolarakis at Markos Kalovelonis. Si Dimitris Chatzinikolaou ang non-playing captain.

Tatampukan ang Team Philippines nina reigning Southeast Asian Games doubles gold medalists Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon, kasama sina Ruben Gonzales, AJ Lim at Eric Olivarez, Jr. Si Chris Cuarto ang non-playing skipper.

Gaganapin ang team draw sa Huwebes, habang ang unang dalawang singles matchn ay sa Biyernes. Ang doubles ang huling dalawang reverse singles ay sa Sabado.