2 Pinoy fighters, humirit sa Bangkok

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

BANGKOK – Dalawang Pinoy fighters ang nakaiskor sa kanilang local rivals nitong Linggo dito.

Sa main event ng naturang promosyon, naisalba ni Adrian Lerasan (9-4, 2 KO’s) ng Antipolo City, Rizal, ang pagkakatumba sa laban para gulantangin ang dating unbeaten na si Tanes Ongjunta sa ikawalong round para masikwat ang bakanteng WBA Asia Super Flyweight strap.

Impresibo si Lerasan na sa kabila ng dominasyon ng karibal sa unang limang rounds ay nagawang makabawi para makamit ang inaasam na world title.

Sa co-feature match, uuwing nginting abot langit si Camiguin fighter Jeny Boy Boca (14-6, 12 KO’s) matapos patigilin ang dating world-title challenger na si Sarawut Thawornkham (21-3, 16 KO’s) para sa WBA Asia Flyweight title.