Bordeos at Bicycology Shop-Amy, reresbak sa Ronda

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY— May lima pang araw para makabawi at hindi ito papalagpasin ng Bicycology Shop-Army, sa pangunguna ni Stage 1 winner at dating lider Mark Julius Bordeos.

ISINUSUOT muli ni Mark Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang 'red jersey' matapos ang Stage 3 ng LBC Ronda Pilipinas,

ISINUSUOT muli ni Mark Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang ‘red jersey’ matapos ang Stage 3 ng LBC Ronda Pilipinas,

Target ng 27-anyos na si Bordeos, sa tulong ng mga kasangga, na muling makadiskarte at makasingit sa ratsada ng Standard Insurance-Navy team upang makapanalo muli at mabawi ang ‘red jersey’ – simbolo ng pangunguna sa pagsikad ng 111.9km Stage 6 ng LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary ngayon na magsisimula sa Kapitolyo at magtatapos sa Tarlac Recreation Center dito.

“Mahaba pa ang karera, tyempuhan lang pag nakakita kami ng pagkakataon, pasukin namin. Kung nagawa kong maging lider ng dalawang uli, bakit hindi ko mauulit,” pahayag bu Bordeos, naitala sa kasaysayan matapos makamit ang Stage 1 at ‘red jersey’ sa pagsisimula ng karera na inorganisa ng LBC sa pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Maging si Bicycology Shop-Army team manager Eric Buhain ay nananatili ring kumpiyansa at buo ang pag-asa na makakaalpas ang kanyang tropa sa dikitang laban.

“Mabigat talaga ang laban. Our riders is battling against the best and grizzled riders. Pero napatunayan nila na kaya nilang makipagsabayan. Hindi pa tapos ang laban at hindi pa naman huli dahil dikit-dikit pa ang mga oras nila,” sambit ni Buhain, Olympian at SEAG swimming record holder.

Iginiit ni Buhain na buo ang loob ng tropa higit at gabay nila ang suporta ng kanilang mga opisyal sa Philippine Army tulad nina LTC Dexter A. Macasaet, QMS (GSC) PA – Director SSC, IMCOM (P), MGen. Tyne T. Bañas, AFP – Cmdr, IMCOM (P), PA at Lt.Gen. Gilbert I. Gapay AFP – CG, PA.

Nahulog sa No.7 sa Top 10 si Bordeos , kipkip ang tyempong 17:59:31, matapos ang dalawang sunod na araw ng dominasyon ng Navymen na nagdala sa kanilang anim na riders sa Top 10, sa pangunguna ni George Oconer, kabilang sa six-man top finisher sa Stage 5 sa Antipolo nitong Huwebes.

Tangan ng 28-anyos na si Oconer ang kabuuang oras na 17 oras, 43 minuto at 13 segundo. Nakabuntot ang kasangga niyang si Ronald Oranza (17:55:28), Ronald Lomotos (17:55:31), John Mark Camingao (17:56:06), Junrey Navarra (17:56:30) at El Joshua Carino (17:58:04).

Nasa ikawalong puwesto si Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines (17:59:33), kasunod sina Jonel Carcueva (17:59:41) at Ismael Grospe, Jr. (18:00:01) ng Go for Gold.

Maging si Oconer, anak ni two-time Olympian Norberto, ay aminado na hindi pa tapos ang laban.

“Anything can happen in the last five stages, that’s why I don’t want to celebrate early. I’ll just do my best and if I win, I win,” sambit ni Oconer, runner-up sa 2011 at 2015 edition.

Itinataguyod ang karera ng Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling