Batang riders, may ‘future’ sa EPI — Coscolluela

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAKATUON sa grassroots sports development ang Equestrian Philippines Inc., sa kabila ng pagiging independent group.

Bilang patotoo, umaani ng tagumpay ang mga batang riders sa international scene bunsod nang walang humpay na pagsasanay at gabay ng mga batikang riders tulad dnina Toni Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia.

Isinantabi ni Equestrian Philippines Inc., president Carissa Coscolluela ang

COSCOLLUELA: Focus sa batang riders.

COSCOLLUELA: Focus sa batang
riders.

matagal nang kontrobersya sa equestrian association na pinamumunuan sa mahabang panahon ni Peping Cojuangco, higit at nakatuona ng kanilang atensyon sa ‘future’ ng sports at ng mga batang riders.

“We established EquestrianPH in 2018 because we want to continue the initiatives we started so that the sport can continue to grow,” pahayag ni Coscolluela sa kanyang pagbisita sa 57th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“Madami na din kaming initiatives na ginagawa for the sport. Two years ago, Toni, Joker and I then decided to formalize out effort and put it under one umbrella which you all know now as EquestrianPH,” aniya sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Inamin ni Coscolluela na apektadoa ng sports sa gusot sa liderato ng equestrian, ngunit mas ninais nilang kumilos nang naaayon para sa kinabukasan ng sports.

“For many years there was a conflict. Matagal pinag-awayan. But we realized there’s no point in fighting with them. It’s not gong to resolve anything. The reason we want to be part of the leadership of the NSA was to help make a difference.Now we’ll do it without being part of the NSA,” aniya.

“That’s why we put this group together. Kalimutan na natin kung ano ang ginagawa nila at hindi nila ginagawa. That’s not our problem. We want to give the (equestrian) community what the community deserves to have in terms of development program and competition.”

Ilang serye ng torneo ang isinasagawa ng grupo ni Coscolluela sa bansa at sa abroad para matugunan ang pangangailangan ng mga batang riders.

“Right now, we only have only a handful of riders who can qualify to the regional championships,like the Asian Games and the SEA Games. Soon, mag-re-retire mga yan. So there’s a need to develop feed riders in the training pool,” aniya.

“It’s the first time in the country in over a decade that we have a full-blown championship series wherein we invited riders from all over the country and they were able to compete in a series of competitions where they can get points towards championship titles. That’s really how you breed champions by encouraging them to start early and train early,” sambit ni Arroyo.

Kabilang sa mga promising rider ng bansa sina Paola Lorenzo, 20, management engineering student ng Ateneo de Manila, gayundin sina Lara Zobel, Nicole Camcam, Alex Ynares-Villalon, Minxie Romualdez, Nikki Aboitiz, at Anda Lagdameo