UAAP volleyball tilt tuloy na sa Marso 3

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

ANG naudlot na pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) collegiate division volleyball tournaments para sa Season 82 ay matutuloy na rin sa Marso 3.

Base sa inayos na schedule, magkakaroon na ng laro tuwing Martes sa first round.

Magkakaroon ng tig-isang laro sa men’s at isa rin sa women’s tuwing araw ng Martes.

Ito’y upang mahabol nila ang mga nagdaang mga araw na lumipas nang ipagpaliban ang dapat na opening ng volleyball tournament sanhi ng coronavirus (COVID-19) outbreak.

Para sa opening matches ng tournament magtutuos ang men’s at women’s teams ng Far Eastern University at University of the East sa Mall of Asia Arena.

Kasunod nito ang salitang division schedule ng mga laro kada Miyerkules, Sabado at Linggo.

-Marivic Awitan