Regalario, sabak sa Predator-Volturi 9-Ball Cup

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PANGUNGUNAHAN ni PH young cue artist Bernie Regalario ang youth junior invasion sa pagsargo ng Predator-Volturi 9-Ball Cup 2020 tournament sa Sabado (Pebrero 29) sa AMF-Puyat Makati Cinema Square, Makati City.

Makakasama ni Regalario ang kapwa Wilde Blu Junior team mates na sina Rey Calanao, Elija B. De Mesa, Bastien Cyril Olanda, Francis Lompero, Kayla Herrera, Sophia Rosales at Dexter M. Barnido.

Suportado ni sportsman/businessman Mr. Nino Lopez, distributor ng Wilde Blu Chalk sa Philippines at Indonesia maging ang Volturi Custom Cases PH,sa pakikipagtulungan ng pamosong cue maker na si Angel Bautista.

“ I hope to do well in this event,” sabi ng 15-anyos na si Regalario, ang reigning J and P 9-Ball Cup Champion.

Inorganisa ng Makati Pool Players Association (MAPPA) sa gabay ng presidente na si Arvin John “Bambino” T. Arceo at tournament director Patrick Clavel, ang 9-ball tournament ay itinataguyod ng ng Predator at Volturi na suportado ng World-renowned blogger The AnitoKid, Puyat Sports, Wilde Blu, Dubshop, Sunville Trading,Peri, Aria Pool Things,Stanson, MLA Trading, Fury at ng bilyarista.com.