Equestrian, rugby at volleyball sa TOPS

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ISYU sa equestrian, volleyball at rugby ang sentro ng usapin sa 57th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

NAGBIGAY pugay ang Equestrian Philippines, Inc., sa pamumuno nina Carissa Coscolluela (ikaapat mula sa kaliwa) at Toni Leviste (ikaapat mula sa kanan)kasama ang mga rising star ng sports (mula sa kanan) Nicole Camcam, Paola Lorenzo, Alex Villalon at Minxie Romualdez, sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez (gitna).

Ipahahayag nina Equestrian Philippines, Inc. president Carissa Coscoluella at vice president Toni Leviste ang ilang kaganapan sa kanialng hanay, kabilang tagumpay ng seniors at junior squad sa nakalipas na Federation Equestre Internationale Asian Championships kamakailan sa Pattaya, Thailand.

Kasama sina Arroyo at Colin Syquia, nakamit ng grupo ni Leviste ang silver medal s ateam event sa Pattaya, habang ang junior team nina Minxie Romualdez, Alex Ynares-Villalon, Nicole Camcam, Paola Lorenzo, Lara Zobel, at Mohamed el Akkad ay nagwagi ng gintong medalya sa torneo sa Manila at Kuala Lumpur.

Inaasasahang ipahahayag din ni Coscoluella ang paghahanda ng koponan sa gaganaping Leaps and Bounds showjumping competition sa Feb. 29 sa Manila Polo Club.

Magbibigay naman ng kanilang promosyon sa sports forum na nakatakda ganap na 10:00 ng umaga si Fil-Australian Mark Leabres ng Rugby League in the Philippines; gayundin ang newly-crowned Community Volleyball Association 18-under champion Holy Rosary College Rhinos, sa pangunguna nina coach Ellen Quintero, team captain Aliah Marce at Finals MVP Cheska Carlos.

Itinataguyod ang programa ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks at mapapanood sa Facebook sa livestreaming ng Glitter.