Ancajas vs Rodriguez,tuloy na sa Abril

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

NAKAPILI na ang Top Rank ng challenger sa katauhan ni Jonathan Rodriguez para sa pagdepensa ni reig¬ning International Boxing Federation (IBF) super flyweight world champion Jerwin Ancajas sa Abril.

Pormal na inihayag ni Top Rank Promotions chief Bob Arum ang pagkakapili kay Rodeiguez, ngunit wala pang katiyakan kung gaganapin ito sa Amerika. Nauna nang ipinahayag ni Ancajas ang kagustuhan na magdepensa sa USA.

Nauna nang nakalinya si Rodriguez para kay Ancajas nitong Nobyembre 2 sa Carson, California, ngunit hindi ito natuloy nang mabigong makakuha ng visa.

Ipinalit kay Rodriguez si Chilean Miguel Gonzalez kung saan itinarak ni Ancajas ang impresibong sixth-round knockout win nitong Disyembre 7 sa Puebla, Mexico.

“Yes (it’s Rodriguez). I did not make the match, one of my people made it. Once we finalized everything, we will announce it. I think that fight will most likely by April 11,” pahayag ni Arum sa social media.

Tiniyak naman ni Arum na wala nang magiging a¬berya sa pagkakataong ito, higit at naisumite nang lahat ang kinakailangang dokumento.

“We are still finalizing the site. But you know sometime next week or so, everything will come together. We’ve been announcing two fights for every month but at least two or three fights, so we will have that final advise sometime next week,” pahayag ni Arum.

Matapos si Rodriguez, target ni Arum na isabak si Ancajas kina World Boxing Council super flyweight champion Juan Francisco Estrada ng Mexico, World Boxing Association super flyweight titleholder Khalid Yafai ng Great Britain at World Boxing Organization champion Kazuto Ioka ng Japan para sa isang unification bout.