UE fencers, wagi sa UAAP

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAKOPO ng University of the East ang ikawalong sunod na titulo sa men’s division matapos makamit ang dalawang ginto nitong Huwebes sa UAAP Season 82 Collegiate Fencing Tournament sa Paco Arena.

IMPRESIBO ang kampanyan ng University of the East sa UAAP Season 82 fencing championship.

IMPRESIBO ang kampanyan ng University of the East sa UAAP Season 82 fencing championship.

Sa pangunguna ni two-time MVP Sammuel Tranquilan, ginapi ng Red Warriors ang De La Salle, 45-30, para masungkit ang men’s team saber gold.

Naungusan din ng UE ang Ateneo, 45-38, sa men’s team epee final mula sa panalo ni Tranquilan.

Umiskor ang Red Warriors sa 45-35 sa panalo sa Green Fencers isa men’s team epee semis para maisaayos ang duwelo sa Blue Eagles, 45-36, na nagwagi sa University of Santo Tomas.

Tangan ng UE ang apat nag into at dalawang silver sa tatlong araw na kompetisyon.

Samantala, nakamit ng De La Salle ang unang ginto sa women’s class sa foil team.

Naisalba ng Lady Fencers ang huling hirit ng Lady Eagles sa Finals para sa 45-42 panalo.

Nanindigan si De La Salle’s Divine Romero kontra reigning MVP Maxine Esteban.