Pinoy shuttlers, umusad sa q’finals ng Badminton Asia

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAISALBA ng Chinese Taipei ang kabiguan ni World No. 2 Chou Tien Chen sa singles event para maitarak ang 4-1 panalo laban sa Singapore at makumpleto ang ‘sweep’ sa Group C at makausad sa quarterfinals ng 2020 SMART Badminton Asia Manila Team Championships nitong Huwenes sa Rizal Memorial Coliseum.

Bunsod ng panalo, nabigyang ng pagkakataon ang Team Philippines na makausad sa susunod na round ng continental meet na itinataguyod ng SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, Leisure and Resorts World Corporation, Cignal, at TV5.

Ginapi ng tambalan nina Lee Yang at Lu Ching Yao sina Sinagpore’s Jia Howin Wong at Chuan Aaron Wong, 21-9, 21-7, para sa ikalawang sunod na panalo ng Taiwanese sa torneo.

Nauna nang nagwagi si Loh Kean Yew e kontra Chou, 21-16, 21-17, sa ikalawang singles event. Sinundan ito ng panalo nila Liao Min Chun at Su Ching Heng kontra kina Wang Tzu Wei at Jason Teh, 21-15, 21-11.

Nanaig din si Hsueh Hsuan Yi kay Wei Hong Lee, 21-18, 21-16.

Matapos nito, isinagawa ang men’s draw para sa quarterfinals phase.

Nabunot ng host Philippines ang top-seed at Southeast Asian rivals Indonesia.

Tinapos ng Philippines ang elimination bilang runner-up sa Group C, habang nanguna ang Indonesia sa Group A matapos gapiin ang Korea, 4-1.

Magtutuos ang Group C winner Chinese Taipei at Group D second-placer Japan, habang ang Korea at Malaysia, at magkakasubukan ang India at Thailand.