LizQuen, work mode sa V-Day

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

May trabaho ang mga bida ng Make It With You na sina Liza Soberano at Enrique Gil, pero nagbigayan pa rin sila ng mga bulaklak tulad ng nakuwento nilang dalawa sa huling panayam namin sa nakaraang set visit.

received_617791588796169Base sa post ni Liza sa kanyang IG account, “Everyday is Valentine’s day with you.”

Na ito rin naman ang sinabi ng aktres na hindi nila kailangang iselebra ang Araw ng mga Puso dahil nga para sa kanila ay walang pinipiling araw ito.

Siyempre hindi rin nagpahuli si Quen sa post ng dalaga, pinost din niya ang parehong litratong may hawak sila pareho ng pumpon ng red roses (kay Liza) at blue roses sa aktor.

Aniya, “You are my world, my everything. You are the reason why my life is amazing and never dull. Thank you for having a beautiful heart and loving me unconditionally. You’re my forever baby, I love you, Happy Valentines Love.”

-REGGEE BONOAN