Carlos, MPBL ‘Dunk King’

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

PINABILIB ni David Carlos ng Makati-Super Crunch ang basketball fans sa kahanga-hangang porma at istilo para tanghaling kampeon sa Chooks-to-Go/MPBL All-Star Slam Dunk contest nitong Huwebes sa MOA Arena.

KABILANG si Senator Manny Pacquiao sa nilundagan ni David Carlos sa MPBL Dunk Contest.

KABILANG si Senator Manny Pacquiao sa nilundagan ni David Carlos sa MPBL Dunk Contest.

Nakumpleto ni Carlos ang one-handed jam sa harap nang apat na taping nakapili, kabilang si Senator at MPBL founder Manny Pacquiao at anak na si Jimuel, para madepensahan ang korona sa eksplosibong aksyon.

“Medyo nasurprise ako. Nahype ni Nick yung crowd pero ang dami nang situations na ganito and I had to pull off something sa bag ko na makuha ko yung 80-90 percent. Maganda naman yung result,” pahayag ni Carlos.

“For me, magsisimula na yung season, mag-tour na kami, malaking event siya para ma-gauge kung nasaan ako, ano kailangan i-tweak sa technique at sa strength ko,” aniya.

Naunang nakakuha ng 42 puntos si Nick Demusis ng Bacoor sa kanyang two-handed slam mula sa pasa ni Pacquiao, habang umiskor ng 37 puntos si Chris Lalata ng Bicol sa kanyang reverse two-handed dunk.

Naiuwi ni David ang tropeo at premyong P100,000 sa torneo na itinataguyod ng Chooks-to-Go.

Kabilang din sa finalist sina RJ Ramirez at Biboy Enguio na umiskor ng 27 at 26, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga hurado sina Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas, Jimuel Pacquiao, MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, Manok ng Bayan Kobe Paras, at Chooks-to-Go Pilipinas spokesperson Mark Zambrano.