Asia Cup, kinansela ng FIBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

KINANSELA na rin ng FIBA ang mga nakatakdang laro para sa unang window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers ngayong huling linggo ng Pebrero kabilang na ang Gilas Pilipinas’ home game kontra Thailand sa Pebrero 20 sanhi ng nakakaalarmang outbreak ng novel coronavirus (COVID-19).

Inihayag ng international governing body para sa basketball ang anunsiyo sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account kahapon ng umaga.

Nakatakdang makatunggali ng Gilas ang mga Thais sa Araneta Coliseum para sa una sana nilang laro sa unang window ng qualifiers.

“Due to the current #coronavirus outbreak, @FIBA Asia has taken the decision to postpone the following #FIBAAsiaCup 2021 Qualifier games:

20 Feb: PHI vs THA; 21 Feb: JPN vs CHN; 24 Feb: CHN vs MAS. The new dates will be announced later,” nakasaad sa post ng FIBA.

Maliban sa laban ng Gilas at Thailand, kinansela din ng FIBA ang home game ng Japan kontra China sa Pebrero 21 at ang home game ng China kontra Malaysia sa Pebrero 24.

Wala pang ibinigay na petsa ang FIBA kung kailan idaraos ang mga ipinagpalibang mga laro.

Samantala, tuloy naman ang nakatakdang ikalawang laro ng Gilas Pilipinas na isang road game kontra Indonesia sa Pebrero 23 sa BritAma Arena sa Jakarta.

Ito ang kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon kasabay ng kumpirmasyon sa postponement ng unang laban ng Gilas sa Thailand.

“At 7:55PM, SBP received word from FIBA Asia postponing the Philippines game vs Thailand on Thursday, February 20, 2020 in SMART Araneta in consideration of the Philippine Department of Health Advisory against “ . . . organizing events with mass attendance” as a precaution re threat of the corona virus epidemic,” ayon sa pahayag ng SBP.

“However, the game against Indonesia in Jakarta on Sunday, February 23rd will proceed as scheduled,” dagdag pa nila.

-Marivic Awitan