2020 Thunderbird Challenge, itinakda

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SA ika-11 taon ng promosyon sa sabong, ang taunang Thunderbird Challenge ay maglalatag ng isang ambisyosong presentasyon na tinatayang pinakamalaking pasabong para sa pangunahing gamefowl feed company sa Asya.

Nagsimula noong 2009 sa Boracay upang i-promote ang sabong at lokal na turismo sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga prestihiyosong pasabong sa pagitang ng mga pinakamatagumpay at iginagalang na gamefowl breeder sa buong bansa,

Sinadya upang ibandera ang mga pinakasikat na tourist spots sa Pilipinas, and Thunderbird Challenge ay ginawa rin sa Palawan, Dapitan, Bohol, Ilocos, Davao, Iloilo at Manila – Araneta Coliseum.

Ngayong taon, nakalinya ang Thunderbird Pampanga Challenge kung saan ang kinasasabikan na Thunderbird All-Star Derby ay gaganapin sa Porac Cockpit Arena sa Porac, Pampanga sa ika-20 ng Mayo, tampok ang paghamon ng mga magkakampiyon sa mga Regional qualifiers sa nagtatanggol na kampion na si Baham Mitra at iba pang mga Thunderbird national endorsers na binubuo nina Cong. Sonny Lagon, Nene Abello, Nestor Vendivil, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Pol Esrellado, Engr. Sonnie Magtibay, Boy Tanyag, Marcu del Rosario, Mayor Jezry Palmares, Dennis de Asis, Jo Laureno, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Tan Brothers (Jun. Bobot & Bong), Evan Fernando, Mariano Brother (Tol & Lino), Manny Dalipe, Bentoy Sy atbp.

Ang mga regional qualifiers ay gagawin sa North Luzon, Pampanga, South Luzon, Panay Island, Negros Island, Central Visayas at Northwest Mindanao.