My heart bleeds for them –Aiko

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kinukuwestiyon ng netizens si Aiko Melendez na nagpo-post ng pagsuporta nito sa ABS-CBN#notoABS-CBNshutdown gayung GMA artist siya dahil sa teleseryeng Primadonnas.

aiko- aiko

“Ang tagal ko din naging parte ng ABSCBN, madami akong magandang proyekto nagawa sa kanila. Nagkaroon ng ibat ibang papuri sa mga awards. Malaki ang naitulong ng ABSsa akin. Bagamat ako ay nasa GMA hangad namen na maayos ang kanilang franchise dahil sa huli lahat tayo ay nasa iisang industry. Tayo ay magkapuso at magkapamilya. #notoabscbnshutdown,”

ipinaskil ng aktres sa kanyang Instagram account kamakailan.

May post din siya ng ratings ng Primadonnas at katapat nitong Kadenang Ginto, na nagtapos na nu’ng nakaraang Linggo.

Hindi napigilan ng aktres ang sarili at sinagot ang mga kumuwestiyon sa kanya.

“Why are we pleased with Others Misfortunes??? The emotion of pleasure in one’s misfortunes is an evil act. It is considered to be less acceptable than envy. Which is regarded as deadly sin. Iwas bombarded with messages in my IG account regarding my stand in ABSCBN’s shutdown,” saad sa huling post ni Aiko.

“To quote some, ‘Ms Aiko ba’t ka nagpo-post ng ratings ng Primadonnas na mas mataas kayo sa kabila tas you are supporting ABS?

My reply was, ‘It is not about whose who anymore, ratings, who is better. It’s for humanitarian reasons too why this is my stand. A lot of people will lose their jobs. And some of them Ihave worked with, so my heart bleeds for them. ‘

“Wag tayong maging mababaw sa oras na ganito. Iwill never rejoice on the thought that while my position is secured with GMA still madami ang mawawalan. Sana malinaw tayo sa ganyan. Madami akong kaibigan also sa ABSCBN.

“And while our network GMA 7 has never taught their talents to be happy about this current situation of their rival network. In fact, they sympathize with them too. Its evident unspoken agreements. Iisang industry kami natural lang, we got each other back,” litanya ng magaling na aktres

At dahil sa suportang ibinibigay ng ilang GMA 7 personalities sa ABS-CBNay abut-abot ang pasalamat ng Kapamilya network sa kanila at makikita ito sa mga social media accounts.

Samantala, tinanong namin si Aiko kung paano nila ise-selebra ng boyfriend niyang si Vice Governor Jay Khonghun ang Araw ng mga Puso ngayon.

“Wala pa plan ate Reg pa surprise na pack-up kami me taping dapat ako bukas, now lang na-pack up,” sabi sa amin.

-REGGEE BONOAN