‘Hero’s Welcome’ kay Taduran, inilatag ng GAB

Filed under Boxing, Sports Balita RSS RSS Feed

HINDI man kasinggarbo na tulad nang naipagkaloob kay eight-division world champion Manny Pacquiao, natikman ng sumisikat na si Pedro Taduran, Jr, ang ‘red carpet’ sa opisina ng Games and Amusement Board (GAB) sa Makari City.

WALANG pagsidlan ang kasiyahan ni International Boxing Federation (IBF) World Minimumweight champion at Philippine boxing rising star Pedro Taduran, Jr. sa ipinagkaloob na ‘hero’s welcome’ ng Games and Amusements Board (GAB), sa pangunguna ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, sa kanyang pagbabalik-bayan nitong Lunes, mula sa matagumpay na pagdepensa sa korona kontra Daniel Valladares ng Mexico.

WALANG pagsidlan ang kasiyahan ni International Boxing Federation (IBF) World Minimumweight champion at Philippine boxing rising star Pedro Taduran, Jr. sa ipinagkaloob na ‘hero’s welcome’ ng Games and Amusements Board (GAB), sa pangunguna ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, sa kanyang pagbabalik-bayan nitong Lunes, mula sa matagumpay na pagdepensa sa korona kontra Daniel Valladares ng Mexico.

Walang alingasngas ang pagbabalik-bayan ng 23-anyos na pambato ng Libon, Albay, ngunit siniguro ni GAB Chairman Baham Mitra, kasama sina Commissioner Ed Trinidad at Mar Masanguid, gayundin ang mga empleyado ng pro boxing agency na matitikman ng Pinoy champion ang ‘hero’s welcome’.

“Masayang-masaya po ako. Hindi ko akalain na bibigyan ako ng ganitong pagsalubong ng GAB. Umasa po kayo na pagiigihan ko pa ang ensayo para makapanalo pa rin tayo sa susunod na laban,” pahayag ni Taduran, sinamahan ng kanyang business managenr na si Sean Gibbons ng Pacman Promotions.

Nagbigay ng bagong karangalan si Taduran sa bansa nang talunin niya via Referee-Stop-Contest si Valladares sa kanilang duwelo nitong Pebrero 1 sa Jardin Cerveza Expo, Guadalupe, Nuevo León, Mexico.

Kapana-panabik at punong-puno ng aksiyon ang duwelo sa unang tatlong round, bago naganap ang hindi inaasahsang ‘accidental headbutt’ na nagiwan ng malalim na sugat sa ibabaw ng kanang mata ng Mexican. Matapos masuri ng ring doctor, inirekomenda nito na huwag nang ituloy ang laban bunsod nang maselang kalagayan ng sugat sa mata ni Valladares, sapat para itigil ang laban sa ikaapat na round.

“We are very proud and happy sa napakahusay na labang ipinakita ng ating champion at tunay siyang nakakabilib considering that the fight was held in Mexico, sa harap ng hometown crowd. Ngayon, we have 4 world champions, sympre we have Senator Manny, Casimero, Jerwin Ancajas, and now we have Pedro Taduran. We are hoping to add more Pinoy champions this year,” pahayag ni Mitra.

Pinasalamatan naman ng kampeon ang pamunuan ng GAB, gayundin ang mga empleayado, supporters, coaches at kanyang pamilya , gayundin ang kanyang Team Taduran family sa pangunguna ni MP matchmaker Sean Gibbons.

Iginiit ni Gibbons, na malaki ang papel na ginagampanan ng GAB, higit sa katuparan ng pangarap ng mga boxers na makapagbigay ng karangalan at maihango ang pamilya sa kahirapan.

Ipinagkaloob ng GAB Boxing and Contact Sports Division ang 2019 Boxer of the Month award, gayundin ang ‘plaque of appreciation’ kay Taduran.

-EDWIN ROLLON