Faith Da silva, ‘di nakakausap ang amang si Dennis

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Si Faith da Silva ang agad naming naalala nang mabasa ang balitang sentenced to life imprisonment for rape ang ama niya at dating actor na si Dennis da Silva. Nakausap kasi namin si Faith sa mediacon ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday , kung saan, kasama siya at gumaganap sa role ni Agatha na anak ni Dorcas (Teresa Loyzaga). Hindi pa lang lumalabas ang kanyang karakter sa primetime series ng GMA-7 na napapanood pagkatapos ng 24 Oras.

IMG_2223

Sa pakikipag-usap kay Faith, inamin nitong hindi niya nadalaw ang ama mula nang makulong at wala rin silang komunikasyon. Hindi niya alam ang magiging reaction niya kapag nakita ang ama at hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin dahil never silang nagkaroon ng father-daughter relationship.

At least, nagpakatotoo si Faith sa kanyang sagot, hindi nagpaka-sweet sa kanyang sagot. Kaya lang kung ganitong for life na ang sentensya sa ama sa kulungan, hindi kaya mabuti kung kahit isang beses man lang, dalawin niya ang kanyan ama?

-Nitz Miralles