1st Kannawidan Boxing Cup sa Ilocos Sur

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

UMAATIKABONG bakbakan ang inaasahang papagitna sa gaganaping Sagupaan sa Ilocos Sur -1st Kannawidan Boxing Cup Biyernes ng gabi sa Sto. Domingo Coliseum, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ang naturang salpukan ay handog ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson at sa pakikipagtulungan ng Elorde Ilocos Sur Promotions kaalinsabay sa pagdiriwang ng Kannawidan Ylocos Festival 2020.

Magpapakitang gilas sa main event sina Charly Suarez ng Sawata, Davao del Norte kontra Dave Barlas para sa Luzproba Super Featherweight Championship (8 rounds, 130 lbs), Ben Fairtex Ligas ng Elorde Gym/Fairtex versus Joan Imperial ng Johnny Bravo Boxing Gym, (Luzproba Super Flyweight C’ship, 8 rds 115 lbs), at Argie Toquero ng Elorde Plus BF Paranaque vs Jimmy Borbon ng Sta. Elena, Camarines Norte (Luzproba Super Flyweight c’ship, 8 rds-140 lbs).

Sabak naman sa undercard sina Ranelio Quizo ng Elorde South Box Las Pinas kontra John Mark Tihuk ng Penalosa Gym Araneta, QC, (8 rds, 115 lbs), Melvin Manaquil ng Elorde Plus BF Paranaque vs Robert Ates ng Penalosa Soledad Paranaque (6 rds., 112 lbs), Juanito Hondante ng Elorde Gym Vigan Ilocos Sur vs Carl Jeffrey Basil ng Mabikas Boxing Baguio (6 rds, 108 lbs), at Roy Sumagat ng Elorde Plus BF Paranaque vs Richard Morales ng 555 Fitness Gym QC, (4 rds, 135 lbs).

Gayundin ang espesyal na bakbakan sa Professional Mua Thai kung saan rarampa sina Ken Claude Sarmiento laban kay Ezekene Estimago (3 rds, 115 lbs), Richard Lachica vs. Jomel Celedonio (3 rds, 135 lbs), at Mike Paiz vs. Mark Joseph Abrillo (3 rds, 115 lbs.)

Kaagapay ng kaganapan sina Boxing Promoter Maria Laureta Elorde, Muay Thai Promoter Francis Amandy at Edmon Dellosa, matchmaker.