Joshua, naresbakan sa panggu-gudtaym kay Dimples Romana

Filed under Features Balita RSS RSS Feed

NAKAKALOKA ang naging segment na prank call handog ng M.O.R radio, kung saan naging panauhin si Joshua Garcia. Walang ibang tinawagan si Joshua kundi ang co-star niya sa kanyang latest film, ang Kadenang Ginto star na si Dimples Romana.

Joshua

Sa conversation ng dalawa, naganap ang nakakatawa at nakakalokang usapan ng dalawang stars.

Bungad ni Joshua, na may aaminin siyang sikreto sa aktres. Then sinabi ni Joshua na nagkakamabutihan na sila ni McCoy De Leon and they actually kissed in the parking lot.

Halata namang hindi kumbinsido si Dimple sa sinasabi ni Joshua, at sa halip isang malupit na komento ang pinakawalan ng aktres.

“Alam mo Josh, sabihin mo na sa akin, nagkabalikan na kayo ni Juls? I’m happy for you. Naging kayo ba ni Janella? I’m happy for you, kung sino man piliin mo,” seryosong sagot ni Dimples kay Joshua.

Kalaunan, ay nalaman na rin ni Dimples na ginudtaym lang ito ni Joshua sa kanyang guesting sa M.O.R.

Samantala, nabanggit ng aktres na huling dalawang linggo na lang mapapanood ang Kadenang Ginto sa Kapamilya pagkatapos ng It’s Showtime.

-ADOR V. SALUTA