RitKen fans, na-sad sa pagtatapos ng ‘One Of The Baes’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Yes, Sir! RitKen fans, malungkot sa pagtatapos ng One of the Baes teleserye nila sa Kapuso Network.

900_675_7__20190801144747

Sa mga lumalabas na plug ay ina-announce na ang nalalapit na pagtatapos ng ‘millennial fairytale’ na One of the Baes kaya naman ang fans ng RitKen ay hindi maitago ang kalungkutan.

Dream come true project kasi ito ng RitKen shippers dahil first-ever primetime series ito nina Ken Chan at Rita Daniela.

Kung pwede nga raw sanang ma-extend pa ang serye dahil sobrang good vibes ang dala nito gabi-gabi.

Bukod sa kilig sa love story nina Jowa (Rita) at Grant (Ken), marami ring sumubaybay sa kakaibang tambalan nina Paps (Roderick Paulate) at Carmina (Maureen Larrazabal).

Malakas din ang hatak ng present at past ni Jo Rubio (Amy Austria) na sina Francis (Tonton Gutierrez) at Steve (Jestoni Alarcon).

At siyempre, marami ang nainis sa karakter ni Melanie Marquez bilang Alona.

Sobrang mami-miss nga raw ng viewers ang One of the Baes na mula simula ay tinutukan ng mga manunuod.

Congratulations, Ken at Rita at sa lahat ng bumubuo sa successful show na ito!

-MERCY LEJARDE

  • MochoGarbo

    totoo ba si chan ay strange. he he how about si sef.