Osla na si Sharapova?

Filed under Tennis Balita RSS RSS Feed

MELBOURNE, Australia (AP) — Bagong season. Bagong kabiguan kay Maria Sharapova. Patuloy ang losing streak ng tennis star sa Grand Slam event, ngunit maging siya ay hindi makapagbigay ng kongretong pahayag hingil sa kaganapan ng kanyang career .

“I don’t know,” pahayag ni Sharapova sa tanong ng media. “I don’t know. … It’s tough for me to tell what’s going to happen in 12 months’ time.”

Mula sa pagiging world No.1, dumausdos ang ranking ni Sharapova sa No.145 at an gkabiguan kay Donna Vekic, 6-3, 6-4, nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) sa firsr round ng Australian Open ay tiyak na makakaparkto sa kanyang ranking.

“I just don’t know,” aniya. “I haven’t thought of my schedule moving forward from here yet.”