IOC, bukas sa ideya na palitan ang AIBA bilang miyembro

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

LAUSANNE, Switzerland (AP) — Bagong pangalan. Bagong liderato sa International Boxing Federation.

ISA si Eumir Marcial sa pambato ng Team Philippines sa 2020 Tokyo Olympic qualifying meet.

ISA si Eumir Marcial sa pambato ng Team
Philippines sa 2020 Tokyo Olympic qualifying meet.

Malaki ang posibilidad na ibaon na sa limot ang AIBA (International Boxing Association) at palitan ng bagong pangalan upang manumbalik ang tiwala at respeto ng sporting community sa naturang sports organization.

Matatandaang, sinibak ng International Olympic Committee (IOC) ang AIBA sa Olympic body at inalisan ng karapatan na magorganisa ng qualifying tournament para sa 2020 Tokyo Olympics sa Nobyembre bunsod ng samu’t saring isyu, kabilang ang alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay AIBA Interim President Mohamed Moustahsane sa opisyal na pahayag nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) na bahagi ng reporma sa asosasyon ang ‘rebranding’. Hiniling niya sa mga miyembro na magkaisa at bumoto para palitan ang pangalan ng federation sa pagpupulong committee sa Marso.

“There is a wish to reform, and a change of the name is also a part of reform. It will be discussed at the next (executive committee) meeting to be presented at the Congress in March,” pahayag ni Moustahsane sa panayam ng The Associated Press.

Nitong Hunyo, naglabas ng desisyon ang IOC na alisin ang AIBA sa Tokyo Olympics dahil sa malawakang korapsyon at bentahan sa hanay ng mga opisyal. Ang IOC ang kasalukuyang nagsasagawa ng qualifying meet kung saan kabilang sa inaasahan ng Team Philippines na makalulusot sina SEA Games gold winners Eumir at Nesty Pretecio.

Sa pagkawala sa Olympics, dagok din sa IABA ang kaganapan, higit at wala na rin silang matatangap mula tiket sales at advertising Tinutukan ng IOC ang legasyon laban kay AIBA chief Gafur Rakhimov, nagritiro si Gafur nitong Julyo matapos akusahan ng U.S. Treasury sa pagkakasangkot sa drug trafficking. Kagyat niya itong itinanggi.

“It’s a heavy heritage but I am confident that the creditors are fully aware of AIBA’s financial situation,” aniya. “Chinese and Azerbaijani companies are our main creditors, the good thing is these countries are deeply involved in the sport, especially in boxing. I am sure that we will reach an agreement for the best interest of the sport.”