‘Wonder Boy’ Martin, ‘di pa ‘official’ na Philippine Champion

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

HINIMOK ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra si Ifugao ‘Wonder Boy’ Carl Jamess Martin na maghanda at labanan si Giovanni Escaner ng Paranaque upang ‘official’ na tanghaling Philippine bantamweight champion.

PAST AND FUTURE! Patuloy ang pagsirit ng boxing career ni ‘Ifugao Wonder Boy’ Carl Jamess Martin (kanan), habang personal na iniabot ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang cash assistance mula sa World Boxing Council (WBC) kay dating world flyweight champion Erbito Salavaria.

PAST AND FUTURE! Patuloy ang pagsirit ng boxing career ni ‘Ifugao Wonder Boy’ Carl Jamess Martin (kanan), habang personal na iniabot
ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang cash assistance mula sa World Boxing Council (WBC) kay dating world flyweight champion
Erbito Salavaria.

“Martin (Carl Jamess) is arguably the best young fighter in the country today, he is the future of Philippine boxing, kaya kailangan nating suportahan ang kanyang career, but we have to clear some issues regarding sa status niya, hindi kasi masyadong naipapaliwanag ito sa ating mga kababayan,” pahayag ni Mitra sa kanyang pagbisita sa TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“Ang P h i l i p p i n e Boxing Fede rat ion (PBF) kung saan nagkampeon si Carl ay hindi opisyal tournament ng GAB. It’s a private entity. Just like the Luzon Professional Boxing Association, pribadong grupo po sila. Only GAB is the sole agency na nagsasagawa ng official Philippine championship at sa boxing event ng GAB nakabase ang local ratings ng ating mga boxers,” pahayag ni Mitra.

gab2

“Medyo nagugulat din kasi yung international promoters once na makita nila sa record ng fighter na Philippine champion (PBF) tapos konti pa lang ang ring record.”

Nitong Disyembre, nakamit ng 20-anyos na si Martin ang PBF bantamweight title matapos mapatiklop si Philip Cuerdo sa ikatlong round ng kanilang laban sa promosyon ng Highland Boxing Promotions sa Manila Arena sa Paco.

“He’s a PBF champion, but not officially a Philippine bantamweight champion. Kailangan labanan niya at talunin ang reigning champion na si Giovanni Escaner. Hopefully, nandito si Brigo (Sandig) baka puwede niya itong mai-promote,” pabirong pahayag ni Mitra.

Bilang tanging boxing ranking body sa bansa, sinabi ni Mitra na ang mga fighters na mabibigyan ng tamang ranking ng GAB rating committee ang mabibigyan ng pagkakataon na lumaban para sa Philippine Championship.

Sa kasalukuyan No.5 si Martin sa bantamweight division ng GAB.

Ang iba pang kampeon sa GAB ranking committee ay sina Genesis Libranza ng Davao City Flyweight (112 lbs), Mark Anthony Geraldo ng Valencia City, Bukidnon (Super- Bantamweight (122 lbs) Champion), Roldan Aldea ng Kabankalan City, Negros Occidental (Lightweight (135 lbs) Champion), Jheritz Chavez ng San Pedro, Laguna (Super Lightweight (140 lbs) Champion), at Jayar Inson ng Davao City (Welterweight (147 lbs) Champion).

May limang division pa ang bakante at nakikipag-ugnayan na ang GAB sa mga local matchmaker, manager at promoters na magsagawa ng promosyon para mapunan ang mga ito.

Sa kasalukuyan, tangan ni Martin (15-0), tampok ang 13 knockout, dalawang regional championship — ang Asian Boxing Council (ABC) Continental crown at World Boxing Organization (WBO) Asia Pacific Youth Bantamweight title – na kapwa niya napagwagihan sa harap ng mga kababayan sa Lagawe Central School Gym in Lagawe, Ifugao.

Kinatigan ni Santig ang pahayag ni Mitra at sinabing malayo ang mararating ni Martin sa larangan ng boxing.

“Grabe yung work ethics nung bata. Sobrang sipag at iba ang boxing IQ,” ayon kay Santig.

Ang ama na s i Abel ang nagsisilbing personal trainer ni Martin.

Isinantabi naman ni Mitra ang mga isyu sa social media na mahihinang fighters ang inilalaban kay Martin kung kaya’t patuloy ang panalo nito.

“Hindi naman, tama naman ang programa ni Abel para sa kanyang anak. Hindi kailangang puwersahin, dahan-dahan lang at pag nakita nating ready na, puwede na sa mga bigtime na karibal,” sambit ni Mitra.

-EDWIN ROLLON