PH National Team, iwas muna sa abo

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SA pagputok ng Taal Volcano, hindi lamang pang-araw-aaraw na pmumuhay ng mga residente at mga mamayang nakatira malapit ang naapektuhan sa kasalukuyan.

Maging ang mga atletang Pinoy apektado rin.

Apat na araw matapos na tabunan ng makapal na abo buhat sa pagbuga ng Taal ang buong Batangasat ang mga kalapit bayan nito, walang plano ang Philippine Sports Commission (PSC) na itigil ang suspensyon para sa outdoor training para sa mga national athletes na unan nilang ipinatupad.

Sinabi ni Senior Executive Assistant na si Marc Velasco na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga national sports association upang maghanap ng ibang paraan upang makpagpatuloy sa ensayo ang ating mga atleta na hindi maapektuhan ang kanilang kalusugan, bunsod ng kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Taal.

“We have been coordinating with the NSAs to look for training alternatives. But then, PSC would always work on the safe side. We will be very prudent and vigilant on the health of the athletes.” pahayag ni Velasco.

Nauna dito ay pinatigil muna ng PSC ang lahat ng mga outdoor training at iba pang mga pisikal na aktibidades ng mga national athletes upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

“We cannot risk the health of our national athletes even after the ashfall has lessened. We try to see for another two days if we can resume the outdoor training,” ayon pa kay Velasco.

Kabilang sa mga koponan na direktang apektado sa pagputok na ito ng Taal ay ang windsurfing at ang mga skateboard athletes na parehong nakabase sa Batangas.

Ang mga windsurfers ng bansa ay nag-eensayo at nakatira sa Mabini, Batangas na kabilang sa mga bayan na nasalanta ng nasabing pagsabog ng bulkan.

Dahil dito, minabuti ng pamunuan ng Winsurfing Association na maghanap ng alternatibong paraan, kung saan plano nilang ilipat muna sa Subic Zambales o kung saan mang lugar sa Norte angkanilang mga atleta upang doon ay magpatuloy ng pag-eensayo.

“We also know that we cannot keep our training hanging for days, so we are now considering some alternatives like moving to Subic Bay Zambales or somewhere in Northern Luzon,” pahayag ni Philippine Windsurfing Association, Inc. President na si Manny Cabili.

Samantala, ikinalungkot naman ni national skateboard athlete Mak Feliciano ang nangyari sa bagong gawang tatlong hektaryang skate park sa Tagaytay City na natabunan ng makapal na abo buhat sa pagputok ng Bulkan.

“Nakakalungkot po kasi ang daming naapektuhan kasama na nga po ung skate park,” ani Feliciano na kasalukuyang nasa Hong Kong upang magtraining.

Nangako naman si Feliciano natutulong siyang malinis ang lugar sa oras na siya ay bumalik ng bansa.

-Annie Abad