Pagsasanay at trabaho sa Special Olympics athletes, kaloob ng BAVI

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MAGING ang mga atleta sa Special Olympics ay may puwang sa programa ng Chooks-to-Go.

KINAMAYAN ni BAVI president Ronald Mascarinas (kanan) ang 21-anyos weightlifter na si Henry Munarriz bilang unang PIDs na binigyan ng trabaho ng BAVI, habang nakamasid sina collegiate star Kobe Paras at triathlon champion Nikko Huelgas. (DELUVIO)

KINAMAYAN ni BAVI president Ronald Mascarinas (kanan) ang 21-anyos weightlifter na si Henry Munarriz bilang unang PIDs na binigyan ng trabaho ng BAVI, habang nakamasid sina collegiate star Kobe Paras at triathlon champion Nikko Huelgas. 

Nitong Martes, senelyuhan ni Bounty Agro Venture Inc. president Ronald Mascarinas ang memorandum of agreement (MOA) sa Special Olympics Asia Pacific para ayudahan ang programa para sa mga atleta na kabilang sa ‘people with intellectual disabilities’.

Tatawaging ‘Kaya ‘Yan, Manok ng Bayan’, nakapaloob sa MOA ang pagsasagawa ng torneo at pagsasanay sa mga PIDs sa buong bansa, gayundin ang pagkakataon na makapagtrabaho sa kompanya.

“This partnership is very important because we live in a society wherein people with intellectual disabilities are always classed. When we ask for support, they don’t usually mind the PIDs because they don’t believe in them. That’s how we were brought up,” pahayag ni Special Olympics’ representative Kaye Samson.

“But in Special Olympics, we believe that every athlete and person with intellectual disabilities deserve the right to play in the same playing field and deserve to live in the same world we all live in. We are thankful to Bounty Agro Ventures for this partnership and for believing in our athletes because they really deserve the right to be shown to the world and show what they can do,” aniya.

Kabuuang 6,000 PIDs mula sa 18 lalawigan sa bansa ang mabibiyayaan sa naturang programa at umaasa ang BAVI na mas lalaki pa ang bilang nito sa hinaharap.

Bilang panimula, binigyan ng trabaho ng BAVI ang 21-anyos at weightlifter na si Henry Munarriz. Nagsimula siyang magtrabaho sa kompanya nitong Disyembre.

“I’m very grateful to be part of Bounty’s workforce,” sambit ni Munarriz, atletang may autism. “I’m very excited about the work culture there and making friends. I want to learn from them so that I can be a better worker. This is a great opportunity for me to show people that I can do whatever a normal person can do. Maybe even better.

Para kay BAVI president Ronald Mascarinas, ang pagkakataon para sa mga PDIs ay bukas hanggang sa posisyon ng executive.

“We would like to thank the Special Olympics for organizing these kids to be self-confident, be productive, and be part of mainstream society. For us, it’s very clear — our sports ambassadors will be really a strong source of inspiration for our PIDs. And as far as Bounty is concerned, our objective is very clear — each PID, we will try our best to give a job to them. The assessment will be what is he or she capable of doing,” ayon kay Mascarinas.

“The dream really is that one day, the PID will rise to be an executive. He or she will be a big source of inspiration for our country.”

Kabilang sa umayuda sa programa bilang ambassadors ng ‘Kaya ‘Yan, Manok ng Bayan’ campaign ay sina national men’s basketball team pool member Kobe Paras at POC Athletes Commission official Nikko Huelgas.

-Annie Abad