Manila Stars, maningning sa MPBL

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

SINALANTA ng Manila-Frontrow ang naghahabol na Paranaque-Yabo Sports, 106-78, Martes ng gabi sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup sa San Andres Sports Complex.

Nadomina ng Stars – galing sa makapigil-hiningang 76-77 pagkatalo sa 1Bataan nitong Enero 6 – ang laro mula sa opening jumpball at sa pangunguna nina Jollo Go at Jonjon Gabriel ay nakapaabnate ng double digits na bentahe na bigong mahabol ng Paranaque.

Umiskor ng pinagsamang 22 puntos sa matikas na 31 puntos na ratsasa sa first period sina Go at Gabriel para sa 31-16 bentahe. Bahagyang naibaba ng Paranaque ang bentahe sa 11 puntos, 40-61, ngunit nagpakatayog ang Stars tungo sa panalo.

“Gusto lang namin mag bounce back doon sa talo namin na yon [against Bataan], hindi kami nakatulog ng ilang araw. Naka-focus talaga sila, ready sila magbounce back,” pahayag ni Manila head coach Tino Pinat.

Nakabangon naman sa nakapanghihinayang na kabiguan laban sa Bacolod nitong Sabado ang Basilan-Jumbo Plastic sa impresibong 86-79 panalo sa Cebu-Casino Ethyl Alcohol.

Umusad ang Basilan sa 17-10 karta sa Southern Division, habang bagsak ang Cebu sa No.9 na may 11-13 karta.

Naitala naman ng Davao Occidental-Coco Life ang ikalimang sunod na panalo nang pabagsakin ang Makati-Super Crunch, 79-54.

Nagbaba ang Tigers ng 29 puntos sa second quarter para makontrol ang laro tangan ang 18 puntos na bentahe, 46-28.

Umabot sa 27 puntos ang abante ng Davao Occidental mula sa dalawang free throw ni Jerwin Gaco tungo sa pagkolekta sa ika-21 panalo sa 24 na laro para manguna sa Southern Division.

“I’m surprised we played this well. For our team, coming into this game, our main focus was… we had a long break, we usually don’t play well from a long break and we practiced well but I told the guys to focus on team basketball,” sambit ni Davao head coach Don Dulay.

Iskor:

(Unang Laro)

Manila-Frontrow (106) – Lastsimosa 16, Dyke 16, Gabriel 13, Dionisio 9, Go 9, Lee 7, Bitoon 7, Tallo 6, Matias 6, Laude 4, Lopez 4, Montilla 3, Bringas 2, Arellano 2, Camacho 2.

Paranaque-Yabo Sports (78) – Vizcarra 15, Abugan 15, Solis 12, Pido 10, Banzali 9, Mangalino 6, Begaso 4, Antonares 2, Rabe 2, Sunga 2, Saguiguit 0

Quarterscores: 31-16, 56-36, 82-56, 106-78

(Ikalawang Laro)

Basilan-Jumbo Plastic (86) – Dumapig 17, Bulanadi 15, Collado 12, Gabo 11, Bautista 8, Dagangon 7, Bringas 6, Manalang 5, Daa 4, Palencia 0, Uyloan 0

Cebu-Casino Ethyl Alcohol (78) – Octobre 18, Ubaldo 12, McAloney 12, Mantilla 12, Lee Yu 6, Cortes 5, Saycon 4, Nunez 4, Lao 2, Huang 1, Viloria 0

Quarterscores: 21-21, 42-36, 65-53, 86-78

(Ikatlong Laro)

Davao Occidental-Cocolife (79) – Mocon 13, Ludovice 13, Robles 10, Saldua 7, Forrester 7, Balagtas 7, Bonleon 5, Raymundo 4, Gaco 4, Yee 3, Calo 3, Albo 3.

Makati-Super Crunch – (54) – Baloria 17, Sedurifa 13, Torralba 7, Ablaza 5, Importante 4, Manlangit 3, Villanueva 3, Apinan 2, Cruz 0.

Quarterscores: 17-10, 46-28, 73-48, 79-54