Jazz at Bucks, tuloy ang ratsada

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NEW YORK (AP) — Tuloy ang ratsada ng Jazz.

Napantayan ni Joe Ingles ang career-high 27 puntos at kumubra si Rudy Gobert ng 22 puntos at 18 rebounds para sandigan ang Utah Jazz sa ika-10 sunod na panalo matapos gapiin ang Brooklyn Nets, 118-107, nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Nagbalik aksiyon si Donovan Mitchell mula sa isang larong pahinga bunsod nang trangkaso at nagsalansan ng 25 puntos, tampok ang 14 sa fourth quarter at kumana si Bojan Bogdanovic ng 18 puntos para sa Jazz.

Umiskor si Kyrie Irving ng 32 puntos at season-high 11 assists para sa Nets.

Samantala, magaan na ginapi ng Milwaukee Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na may 37 puntos, ang New York Knicks, 128-10; nagapi ng Atlanta Hawks ang Phoenix Suns, 123-110;

Pinagmulta naman ng US$25,000 ng NBA si Pistons guard Derrick Rose bunsod nang paghahagis ng ballpen sa court sa pagtatapos ng laro ng Detroit sa New Orleans nitong Miyerkoles.